Contributed photo
Patay ang isang radio broadcaster matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa labas ng kaniyang bahay sa Cagayan de Oro City ngayong Miyerkoles.
Ayon sa mga kapitbahay, nang lumabas sa minamanehong taxi ang biktimang si Federico "Ding" Gempesaw, nilapitan siya ng armadong lalaki saka binaril.
Agad tumakas ang gunman sakay ng isang motorsiklo.
Umuwi muna sa kanilang bahay si Gempesaw matapos itong mamasada sa sariling taxi.
Maliban sa pagiging anchor sa isang block time radio program, isa ring taxi driver si Gempesaw.
Aktibo rin siyang miyembro ng isang local political party sa lungsod at naging dating head sa isang departamento ng city hall.
Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaril.
— Ulat ni Angelo Andrade
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.