PatrolPH

Police chief ng Batangas town patay sa banggaan ng SUV, truck

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2022 02:23 PM

Patay ang hepe ng pulisya sa bayan ng Lian, Batangas matapos bumangga ang minamaneho niyang SUV sa isang 10-wheeler truck, madaling araw ng Miyerkoles.

Ayon sa ulat ng Batangas police, tinatahak ng biktimang si Maj. Amiel Sanhi Jr. ang diversion road sa Barangay Tulo, Taal patungo sa direksiyon ng Batangas City nang sumalpok ang SUV sa truck na minamaneho ni Salvador Segfred.

Nagtamo ng mga sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang biktima, na agad itinakbo sa Batangas Provincial Hospital kung saan idineklara siyang dead on arrival.

Hawak na ng Taal police ang driver at pinag-aaralan kung may pananagutan siya sa insidente.

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.