PatrolPH

Dagdag sa minimum na pasahe sa jeep sa buong bansa simula Hulyo 1 aprubado ng LTFRB

ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2022 08:34 PM | Updated as of Jun 29 2022 08:47 PM

Watch more News on iWantTFC

Aprubado na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag-pasahe sa mga jeep sa buong bansa.

Kasama na rito ang P1 dagdag noong Hunyo 8 sa National Capital Region, Ilocos Region at Cagayan Valley Region.

Kaya simula Hulyo 1, P11 na ang minimum na pasahe sa mga tradisyunal na jeepney sa buong bansa.

Ayon sa LTFRB, P13 naman ang bagong minimum fare sa mga modern jeep sa buong bansa simula rin sa susunod na buwan.

Pinag-aaralan pa ng LTFRB ang petisyon ng ilang transport group para sa dagdag na P5 sa base fare.

Mamanahin din ng susunod na administrasyon ang petisyon para sa taas-pasahe ng mga taxi, transport network vehicle service at bus.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.