PatrolPH

Magkakatabing tindahan nasunog sa San Pedro, Laguna

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2021 07:12 AM

MAYNILA—Natupok ang 4 na magkakatabing commercial establishment sa lungsod ng San Pedro, Laguna Lunes ng gabi.

Tumagal ng 2 oras ang pag-aapula sa apoy na nasunog sa kanto ng USPS sa Barangay San Antonio. 

Kasama ang isang general merchandise store at tindahan ng damit at appliances sa mga dalawang-palapag na gusali na nasunog.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula pasado alas-6 ng gabi ang sunog. 

Dagdag ni Fire Chief Insp. Fernan Gil Cagampan ng San Pedro City Fire Station, napatagal ang pag-aapula dahil naglalaman ang mga gusali ng mga madaling masunog na gamit.

Hindi rin agad napasok ng mga bombero ang loob ng gusali, dahil nagbagsakan na ang mga bahagi ng bubong.

Ayon kah Cagampan, itinaas nila sa ika-3 alarma ang responde para mapigilan agad ang pagkalat ng apoy. Posible kasing madamay ang generator set ng kalapit na motel at isang COVID-19 isolation center.

Nagdeklara ng fire-out bago mag-alas-8:30 ng gabi.

Ayon sa BFP, walang naiulat na nasaktan sa insidente.

Dagdag nila, may kalumaan na ang mga gusali kaya maaaring naging sanhi ng sunog ang lumiyab na kawad ng kuryente.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang pinagmulan ng apoy at ang halaga ng mga natupok. 

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.