P1.5 milyong halaga ng ipinuslit na sigarilyo nasamsam sa Maguindanao

Arianne Apatan, ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2020 01:41 PM

Nahuli mula sa 5 lalaki ang nasa 100 kahon ng umano'y ipinuslit na sigarilyo na gawa sa Malaysia. Kuha ng lokal na gobyerno ng Datu Blah Sinsuat

Nasabat ang nasa P1.5 milyong halaga ng umano'y ipinuslit na sigarilyo mula sa 5 lalaki sa Datu Blah Sinsuat, Maguindanao noong Sabado.

Ang mga lalaki at 100 kahon ng sigarilyo ay lulan ng isang motor boat na nagmula pa umano sa Jolo, Sulu.

Base sa packaging, gawa sa bansang Malaysia ang mga sigarilyo.

Ayon kay Mayor Datu Marsshall Sinsuat, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa pagdaan ng motor boat kaya nakipagtulungan sa mga otoridad.

Nasa kustodiya ng pulisya ang 5 lalaki at ang mga nasabat na sigarilyo.

Watch more in iWant or TFC.tv

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.