6 doktor sa Iloilo City positibo sa COVID-19, ospital isinailalim sa lockdown

ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2020 11:35 AM

Watch more in iWantTFC

ILOILO CITY – Ipinatupad ang lockdown sa St. Paul’s Hospital sa Iloilo City matapos magpositibo sa COVID-19 ang 6 na doktor dito.

Isinailalim na sa strict quarantine ang lahat ng personnel ng ospital at agad nagsagawa ng contact tracing, ayon kay Mayor Jerry Treñas. Isasailalim din sa COVID-19 test ang lahat ng nagtatrabaho rito.

"We need to have a close coordination with them because all of them are at risk. Protecting them is one of our major obligations because we can't afford to lose our frontline armies in this battle," aniya sa isang Facebook post.

Simula Linggo ng gabi, sarado na ang operating room, emergency room at outpatient department ng ospital, ayon kay Roy Villa ng Regional Inter-Agency Task Force for COVID-19.

 

--Ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.