'Kasunduan' ng Pinas, Tsina sa EEZ 'walang ngipin': mga eksperto

ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2019 07:39 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Iginiit ng mga eksperto na walang kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na makipagkasundo sa China para makapangisda ang mga Tsino sa exclusive economic zone (EEZ). 

Kasunod ito ng pag-amin ni Duterte na may mutual agreement siya sa pangulo ng China na si Xi Jinping kaya hindi maaaring pagbawalan ang mga Chinese sa karagatang bahagi ng Pilipinas. 

"Tanong sila, 'Will you allow the Chinese to fish?' Sabi ko, 'Of course.''Yan ang pinag-usapan namin noon, kaya tayo nag-uusap eh. And that was [why] we were allowed to fish again. It was a mutual agreement," ani Duterte sa kaniyang talumpati nitong Miyerkoles. 

Ani Christian Monsod, isa sa mga bumuo ng 1987 Constitution, maaaring maharap sa impeachment si Duterte kung totoong pumasok siya sa kasunduan sa China para makapangisda ang Tsina sa EEZ. 

Paliwanag pa niya, walang kapangyarihan si Duterte na pumasok sa ganitong uri ng kasunduan. 

"If it is a gentleman's agreement and the Chinese do carry it out and go there and we don't stop them or do not protest or go to other means and processes, then that it is an impeachable offense,” ani Monsod. 

"Any agreement that allows the Chinese to use for their own benefit and enjoyment what is there in our 200 nautical miles EEZ would be a violation of this constitutional provision. It cannot be bargained away. The President has no power to bargain away what is exclusive for the Filipino," dagdag niya. 

Sa graduation ceremonies ng University of the Philippines, muling iginiit ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na inaatasan ng Saligang Batas ang gobyerno na protektahan ang yamang dagat ng bansa. 

"This exclusivity is not a 'thoughtless and senseless' provision in our Constitution as President Rodrigo Duterte has unfortunately characterized. The framers of our Constitution have incorporated this exclusivity in our Constitution,” ani Carpio. 

Ayon sa dating Ombudsman at Supreme Court Justice na si Conchita Carpio Morales, walang ngipin ang kasunduan ni Duterte kay Xi dahil hindi naman daw ito niratipikahan ng taumbayan. 

"You cannot allow anyone to fish without the consent of the people," ani Carpio Morales. 

Depensa ng Malacañang, tinutupad lang ng pangulo ang kanyang mandato na maglingkod at protektahan ang publiko sa pamamagitan ng pag-iwas sa giyera sa China.
 
--Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.