2 patay sa buy-bust sa Rizal

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2019 02:09 PM

Dalawa ang patay matapos na mauwi sa sagupaan ang isinagawang buy-bust operation sa Barangay San Jose, bayan ng Rodriguez sa Rizal, Sabado ng umaga.

Isa sa mga napatay na suspek ay kinilalang si Renato Dolorfina, alyas Kato, habang wala pang pagkakakilanlan ang kasama nito.

Ayon sa ulat, nakatunog umano si Dolorfino na mga pulis ang kaniyang ka-transaksiyon sa Pines Street sa Metro Manila Hills Subdivision kaya’t bumunot sila ng baril ng kaniyang kasama at nagkaroon ng enkuwentro.

Pero habang nagpuputukan, dinampot umano ni Dolorfino ang anak bilang human shield. Tinamaan naman ng bala sa leeg ang pulis na si Senior Master Sergeant Conrado Cabigao.

Dinala na sa ospital si Cabigao at maging ang anak ng suspek. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.