Trailer truck, nagliyab sa SLEX

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2018 08:46 AM

Hindi pa tukoy ang sanhi ng pagliyab ng trailer truck sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX), Biyernes ng umaga. Wala namang nasaktan sa insidente. Larawan mula kay Luisa Morales.

MAYNILA - Nasunog ang isang trailer truck sa may southbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX), sa bahagi ng Kilometer 29 bago mag-Susanna Heights Exit, Biyernes ng umaga.

Wala namang nasaktan sa aksidente dahil naitabi agad ng driver ang truck at mabilis silang nakababa ng kaniyang pahinante bago tuluyang nasunog ito.

Naapula na ang apoy subalit nagdulot na ito ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko dahil hindi pa naiaalis ang truck na nasa outermost lane ng SLEX. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.