P6.8-milyong halaga ng droga, nasabat sa Cavite

Paulo Ferrer, ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2018 09:08 PM

Nasabat ang 10 bulto ng hinihinalang shabu sa Cavite, Biyernes ng umaga. Paulo Ferrer, ABS-CBN News

Nasakote ang nasa P6.8 milyong halaga ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Imus, Cavite nitong Biyernes.

Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency sa suspek ang 10 bulto ng hinihinalang shabu.

Inamin ng suspek na sa kaniya nakuha ang mga nasabat pero tumanggi siyang magsalita kung saan galing ang mga ito.

Patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng PDEA para matukoy ang mga posibleng kasamahan ng nahuli.

Dinala na sa PDEA National Headquarters ang suspek habang inaayos ang dokumentasyon para sa kasong isasampa laban sa kaniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.