Mag-ina, sugatan sa pananambang sa Iloilo City

Nony Basco, ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2018 09:41 AM

ILOILO CITY - Sugatan ang isang babae at ang kaniyang 15-anyos na anak matapos pagbabarilin ng isang lalaki sa Barangay Magsaysay Village dito sa lungsod, Biyernes.

Nasa loob ng sasakyan at papasok na sana sa compound ang biktimang si Maritess Jalandoni at ang kaniyang anak nang biglang lumapit ang suspek at pinagbabaril sila sa loob ng sasakyan, kuwento ni Jedidieh Jalandoni, isa pang anak ni Maritess na nakasaksi sa insidente.

Isinugod sa ospital si Maritess at ang kaniyang anak.

Kinilala naman ng mga biktima ang suspek na si Teofisto "Totong Adam" Sebanta, isang kapitbahay at nakaalitan umano ng pamilya Jalandoni kamakailan lamang. 

Nag-ugat umano ang alitan ng pagbintangan ng suspek ang mga biktima na nagnakaw ng kaniyang bahay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.