Bagong prosecutor general, itinalaga

Johnson Manabat, ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2018 02:30 PM

MAYNILA- Itinalaga ni Justice Secretary Menardo Guevarra bilang bagong acting prosecutor general o officer-in-charge si Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon.

Ayon sa department order ni Guevarra, magiging epektibo ang pagkakatalaga kay Fadullon simula Sabado, Hunyo 30, hanggang sa makapili si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong prosecutor general. 

Papalitan ni Fadullon si dating acting Prosecutor General Jorge Catalan Jr., na nauna nang lumiham kay Guevarra upang ma-relieve siya sa puwesto at pagtuunan na lamang ng pansin ang trabaho niya bilang city prosecutor ng Makati.

Naupo si Catalan bilang acting prosecutor general noong Hunyo 2017 sa ilalim ng liderato ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.