2 'salvage' victims nakita sa creek sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2017 03:11 PM

Natagpuan ang bangkay ng 2 hinihinalang biktima ng summary execution sa isang estero sa Barangay Puting Lupa sa Calamba, Laguna, Huwebes ng umaga. 

Kapwa nakahubad ang mga lalaking biktima at nakatali ang mga kamay. Binalutan din ng tuwalya ang kanilang mga mukha. 

Katabi nila ang 2 karatulang may nakasulat na, "Pusher ako, wag nyo akong tularan." 

Natuklasan ng mga pulis na may mga tama ng bala sa ulo ang mga biktima subalit wala namang basyong natagpuan sa crime scene.

Hinala ng pulisya, pinatay sa ibang lugar ang dalawa saka itinapon sa estero upang iligaw ang imbestigasyon. 

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng mga biktima. -- Ulat ni Ronilo Dagos 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.