2 patay, 6 sugatan sa aksidente sa Negros

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2017 08:44 AM

Dalawang katao, kabilang na ang isang menor de edad, ang nasawi matapos na mahulog sa isang creek ang kanilang truck sa Escalante City sa Negros Occidental, Miyerkoles ng hapon.

Nakilala ang mga nasawi na sina Eunela Sebua at 15-anyos na si Jay-R Canoy.

Anim na iba pa ang sugatan sa aksidente at kinilalang sina Marvin Barnuevo, Sheryl Villaran, Carlo Daguya, Paulo Miguel Asequia, Zaldy Senora at Rofino Rebuyas Jr.

Ayon sa pulisya, may kargang tubo (sugarcane) ang truck na patungong transloading station nang mawalan ito ng preno at mahulog sa creek sa Barangay Mabini.

Minamaneho ni Romeo Tangua ang truck. Siya ngayon ay nasa custodial facility ng Escalante Police.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.