10-wheeler truck bumangga sa punerarya, 2 patay

Maria Cecilia Butardo, ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2017 01:05 PM

ALUBIJID, Misamis Oriental – Patay ang dalawang tauhan ng isang punerarya matapos na aksidenteng bumangga ang 10-wheeler truck sa kanilang funeral parlor sa Barangay Lumbo, Huwebes ng umaga.

Kasalukuyang naglilinis umano ng karo ang embalsamador na si Edgar Elarmo, 29-anyos, at driver na Arturo Librada, 46, kapwa nagtatrabaho sa Agreda Funeral Homes nang maganap ang aksidente.

Limang iba pa kabilang ang driver ng truck na si Edgar Delos Santos at pahinanteng si Antonio Ongue ang dinala sa pagamutan.
 
Ayon sa pulisya, nawalan umano ng kontrol sa truck na may lamang uling ang driver nito dahil sa pagpalya ng preno.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.