PRETORIA - Ipinagdiwang ng Philippine Embassy sa South Africa ang ika-124 anibersaryo ng Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas nitong June 21 sa Safari Restaurant and Conference Centre sa Pretoria.
Photo courtesy of PE Pretoria
Espesyal ang pagdiriwang dahil nagkaroon ng pagkakataon magkita-kita muli ang mga Pilipino matapos ng mahigit dalawang taon dahil sa pandemya.
Photo courtesy of PE Pretoria
“Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas” ang tema ngayong taon. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Philippine ambassador to South Africa Noralyn Jubaira Baja na seryoso ang embahada na protektahan ang karapatan ng overseas Filipinos.
Photo courtesy of PE Pretoria
“The doors of the Philippine Embassy in Pretoria will always be open to the Filipinos in the Southern African region. It is your home away from home,” pahayag ni Baja.
Maliban sa mga palabas, nagkaroon din ng interactive quiz show tungkol sa kultura, sining, heograpiya, kasaysayan at popular culture ng Pilipinas.
Photo courtesy of PE Pretoria
Higit pang naging masaya ang pagdiriwang nang nagbigay ng raffle prizes ang embahada sa mga dumalo.
Photo courtesy of PE Pretoria
Photo courtesy of PE Pretoria
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa South Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol
(Source: Philippine Embassy-Pretoria FB page)