TFC News

TINGNAN: Cebuana singer, kampeon sa Talentadong Pinoy sa Dubai

Milanie Sanchez Regalado | TFC News UAE

Posted at Jun 28 2022 02:28 PM

DUBAI - Kampeon ang Cebuanang si Loudryan Fajardo Laturnas sa katatapos na Talentadong Pinoy competition sa Dubai. 

Dubai based Cebuana singer

Naganap ang kumpetisyon kasabay ng pagdiriwang ng 124th Philippine Independence Day celebration sa Dubai World Trade Centre, na inorganisa ng Filipino Social Club-Dubai. 

Cebuana singer wagi

Ipinamalas niya ang kanyang galing sa interpretative performance na magkahalong pagkanta at pag-arte sa awiting “Sino Ang Baliw.”     

OFW singer panalo

Nakatakda ring lumahok sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) si Laturnas ngayon 2023 sa Estados Unidos.

Singer panalo sa kanta nyang Sino ang baliw

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Gitnang Silangan, Europa at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.