BENGUET – Aabot sa P62 milyong halaga ng hinihinalang marijuana ang sinira ng mga awtoridad sa mga probinsiya ng Kalinga at Benguet.
Sa tatlong araw na operasyon sa Tinglayan, Kalinga mula June 24 hanggang June 26, may 310,000 piraso ng fully grown marijuana ang nadiskubre at sinunog sa barangay Buscalan, barangay Butbut, at Barangay Loccong.
Nasa P62 million ang halaga ng mga sinirang marijuana sa lugar.
Sa hiwalay na operasyon, ang nadiskubre at sinira naman ang 80 piraso ng fully grown marijuana na nagkakahalaga ng P16,000 at 3 kilogram ng dried marijuana stalks na may halagang P360,000.
Walang nahuling cultivator sa mga operasyon.
-- Ulat ni Mae Cornes
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.