PatrolPH

22 pamilya apektado sa pananalasa ng buhawi sa Batangas City

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2022 06:32 PM | Updated as of Jun 29 2022 03:21 PM

Watch more News on iWantTFC

(UPDATE) Nasa 22 pamilya ang apektado matapos manalasa ang buhawi sa isang barangay sa Batangas City noong Martes, kasabay ng malakas na ulan.

Sa video na kuha ng ilang residente bago mag-alas-3 ng hapon, mapapanood ang namuong ipo-ipo sa dagat malapit sa Isla Verde. 

Agad nagtaas ng tornado warning ang Batangas City disaster office sa Isla Verde at tatlong baybaying barangay.

Hindi nagtagal, tumama na ito sa lupa sa Barangay dela Paz Proper bilang isang buhawi.

Nagliparan ang mga bubong ng mga bahay at nasira ang bubong ng covered court. Nawalan din ng supply ng kuryente ang lugar.

Ayon sa mga residente, nagtago sila sa takot dahil sa lakas ng hangin. Ito rin aniya ang unang pagkakataong nakaranas sila ng buhawi.

"Kami ho ay nag-iyakan na kanina dahil akala namin ay katapusan na ng aming buhay kanina," sabi ni Rose Bantugon.

Ipinagpapasalamat na lang ng mga residente na walang nasaktan sa kanila.

Nagpdala na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong pamilya.

IBA PANG ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.