PatrolPH

5 suspek sa gang rape sa Albay arestado makalipas ang 10 taon

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2021 04:45 PM | Updated as of Jun 29 2021 11:10 AM

MAYNILA — Isa-isang naaresto nitong Linggo sa Calabarzon at NCR areas ang 5 suspek na itinuturo sa gang rape na nangyari sa Libon, Albay noong 2011, kung saan isang 16 anyos ang biktima.

Makalipas ang 10 taon, nahuli ang mga suspek sa Antipolo City, Marikina City, Quezon City, at Biñan City, na karamiha'y construction worker at nasa edad 24 hanggang 30.

"Abot kamay natin ang hustisya para sa mga nabiktima nila," sabi ni Bicol police regional director Brig. Gen. Jonnel Estomo.

Lahat ng akusado ay ihaharap sa korte at hindi umano makapagpipiyansa. 

- Ulat ni Karren Canon

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.