PatrolPH

84 bagong pisang green sea turtle ibinalik sa dagat sa Antique

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2021 07:13 PM

84 bagong pisang green sea turtle ibinalik sa dagat sa Antique 1
Nasa 84 na mga green sea turtle na bagong pisa ang ibinalik sa dagat sa Antique noong Linggo. Kuha ni Ramon Gregorio

Nasa 84 na mga green sea turtle na bagong pisa ang ibinalik sa dagat sa Tibiao, Antique nitong Linggo.

Ayon kay Freddie Importante, chairman ng Brgy. San Francisco Norte sa Tibiao, napisa ang mga itlog ng pawikan Sabado ng gabi.

Sa 99 na mga itlog ng pawikan, 84 ang napisa at buhay habang 13 ang hindi pa napipisa. Dalawa naman ang namatay.

Kaagad umano niyan ipinaalam sa DENR-CENRO at lokal na pamahalaan ng Tibiao ang mga napisang itlog ng pawikan.

Sa tulong ng DENR-CENRO Culasi, mga opisyal ng Tibiao, at mga barangay opisyal ay naibalik sa dagat ang mga baby pawikan nitong Linggo.

—Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.