Lockdown sa isang lugar sa Muntinlupa pinalawig

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2020 01:25 PM

MAYNILA — Pinalawig ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ang lockdown o "extreme localized community quarantine" sa isang lugar sa Barangay Sucat.

Unang isinailalim sa lockdown ang Zone 3 Interior, Sitio Pagkakaisa sa Barangay Sucat noong Hunyo 13 hanggang Hunyo 26.

Pero ayon kay Mayor Fresnedi, extended ang lockdown sa naturang lugar hanggang gabi ng Biyernes, Hulyo 3.

Ito ay matapos magpositibo sa coronavirus disease ang 29 mula sa 130 residente ng lugar na isinailalim sa swab test.

Kailangan habaan ang lockdown para masigurong hindi na kakalat pa ang sakit, ani Fresnedi.

Bibigyan naman umano ng pagkain ang mga apektadong residente.

Sa kabuuan, umabot na sa 403 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa, kung saan 267 ang gumaling at 37 ang namatay.

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News