7 sugatan sa salpukan ng UV Express van, pickup sa Zamboanga

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2020 01:05 PM

Pitong tao ang nasugatan matapos magbanggan ang isang UV Express van at pick-up truck sa Barangay Curuan, Zamboanga City Sabado ng umaga.

Ayon sa ulat ng Zamboanga police, papunta na sana sa paradahan ang UV Express nang makasalubong nito ang pick-up truck.

Nawalan umano ng kontrol ang pick-up truck kaya biglang napunta sa lane ng UV Express at nagkasalpukan.

Nasa mabuting lagay na ang mga biktima, na mga pasahero ng UV Express van. Nagpapagaling ang mga ito sa Zamboanga City Medical Center, ayon sa pulisya.

Maaari umanong makasuhan ng reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property ang matutukoy na responsable sa aksidente. - Ulat ni Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.