Motorsiklo bumangga sa bus sa Zamboanga del Sur, 2 patay

Noning Antonio, ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2019 06:21 PM

Tumilapon ang 2 magkapatid nang mabangga ng pampasaherong bus ang kanilang motorsiklo sa bayan ng Labangan, Zamboanga del Sur. Larawan mula kay Jojo Montanez

Patay ang magkapatid na magka-angkas sa isang motorsiklo matapos bumangga sa isang pampasaherong bus sa bayan ng Labangan, Zamboanga del Sur, Biyernes ng umaga.

Nakilala ang mga biktima na sina Private Elmae Joy Indangan, ng 54th Engineer Brigade ng Philippine Army, at kapatid nitong si Niezel Mae Zacares Indangan.

Ayon sa Labangan Police, papuntang Pulacan, Zamboanga del Sur ang magkapatid nang mabangga ang kanilang motorsiklo ng bus.

Sa lakas ng pagkakabangga tumilapon ang mga biktima mula sa kanilang motorsiklo.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima. Naitakbo pa sila sa ospital pero namatay din.

Nakakulong na ngayon sa Labangan Police Station ang driver ng bus habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.