8 patay, ilang pasahero sugatan sa pagtagilid ng bus sa NLEX southbound

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2019 08:30 PM | Updated as of Jun 29 2019 12:16 AM

Kuha ni Patrick Pelayo

MAYNILA (4th UPDATE)—Walo ang patay habang sugatan ang ilang pasahero ng isang bus matapos itong bumaligtad sa NLEX southbound sa bahagi ng Torres Bugallon, Valenzuela Biyernes ng gabi.

Ayon kay Police Col. Carlito Gaces, hepe ng Valenzuela Police, 6 na bangkay ang narekober sa loob ng bus.

Dinala naman sa iba't ibang ospital ang hindi pa mabilang na katao matapos masugatan, kabilang ang bus driver.

Watch more in iWantTFC

Base sa inisyal na impormasyon ng NLEX traffic control center, binabagtas ng bus ng Buena Sher Transport Corp. ang northbound lane ng NLEX. Galing ito ng EDSA-Cubao at patungong Santa Maria, Bulacan.

Wala pang detalyeng ibinibigay ang mga awtoridad kung ano ang naging sanhi ng aksidente.

Nagdulot naman ng mabigat na daloy ng trapiko ang insidente na sumakop sa 2 lanes.

Ginagamitan ng boom crane ang bus upang maalis sa kalsada. Nagkabitak bitak naman ang ilang concrete barriers.

Inaalam pa ang sanhi ng aksidente.

 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.