MAYNILA—Dinampot ng mga pulis ang higit 30 katao sa simultaneous anti-criminality law enforcement operation sa Pasay City Huwebes ng gabi.
Labimpito ang nahuling lumabag sa iba't ibang ordinansa, tulad ng pag-inom sa kalsada.
Timbog naman ang 10 katao matapos makuhanan ng ilegal na droga.
Samantala, 5 ang arestado sa illegal gambling, 1 sa alarm and scandal at 1 sa pagnanakaw. — Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, crime, drugs, city ordinance, illegal gambling, theft, alarm and scandal, Pasay City