Barangay tanod, patay sa pamamaril sa Negros Oriental

Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2019 09:48 AM

Courtesy: NORPPO

GUIHULNGAN, Negros Oriental - Patay ang isang barangay tanod dito sa bayan matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin, Huwebes.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakatambay sa labas ng isang tindahan ang biktimang si Lito Itao nang barilin ito ng salarin na sakay ng isang motorsiklo.

Nakatakbo pa ng ilang metro si Itao bago ito nawalan ng malay.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng gunman at ang posibleng motibo ng pamamaril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.