2 sugatan sa pagsabog ng drum sa Ermita

Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2019 09:55 PM

Kuha ng Manila Police District

MAYNILA—Sugatan ang 2 security guard matapos sumabog ang ginagawa nilang improvised na tangke ng tubig sa Ermita nitong Biyernes.

Nagtamo ng 2nd degree burns si Ricky Gallego habang nasugatan naman sa paa ang kaniyang kasamahan. Pareho silang guwardiya sa isang establisimyento sa Gedesco Building.

Ayon kay Police Lt. Col Igmedio Barmaldez, commander ng Ermita Police Station, pinagdugtong ng mga guwardiya ang 2 plastic drum para gawing water tank.

Gamit umano ang lighter, pinaiinit nila ang isang drum para lumambot upang mas mabilis na maidugtong sa isang plastic drum nang sumabog ito.

Sa inisyal na pagsusuri ng Explosive Ordnance Disposal ng Manila Police District, may fumes ng fruit extract distillate ang mga drum kaya sumabog ito nang mainitan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.