16 anyos na dawit umano sa higit 50 pagnanakaw sa QC timbog

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2019 07:35 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Timbog sa Tandang Sora, Quezon City ang isang 16 anyos na lalaki na itinuturong suspek sa tinatayang 50 kaso ng akyat-bahay sa lungsod. 

Kinilala ang suspek na si alyas "Dario," na nahuli matapos nakawan ang isang bahay sa Mindanao Avenue. 

Narekober ng mga tanod sa suspek ang 1 sa 3 cellphone na natangay niya sa nasabing bahay.

Bago pa nito, nahuli na rin daw noon ang menor de edad matapos looban ang isang parlor sa Tandang Sora. 

Ayon sa opisyal ng Barangay Tandang Sora, taong 2012 pa nagsimulang mag-akyat bahay ang bata at aabot na sa higit 50 insidente ng pagnanakaw ang kinasangkutan nito. 

"Pabalik-balik po ang bata na ito sa pag-akyat bahay... Dapat po talaga maglagay ng CCTV at aso ang mga kababayan natin," ani Lorenzo Altaras, opisyal ng barangay. 

Dahil wala pa sa tamang edad, muling ibibigay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kustodiya ng batang suspek.

—Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.