Umano'y drug boss patay sa engkuwentro sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2018 04:17 PM | Updated as of Jun 28 2018 04:26 PM

MANILA - Patay ang hinihinalang lider ng isang drug group matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa San Pedro, Laguna, Huwebes ng umaga. 

Bibili sana ang mga operatiba ng droga mula sa suspek na si Gaudencio "Denden" Rojo III sa Barangay San Vicente, pero nakahalata itong pulis ang katransaksyon kaya nagpaputok ng baril, sabi ni Sr. Supt. Kirby Kraft, hepe ng Laguna police. 

Idineklara aniyang dead on arrival sa ospital ang suspek na lider ng Rojo Drug Group. 

May mga nakabinbing kaso ng robbery laban kay Rojo. Pangunahing suspek din siya sa pagpatay sa negosyanteng si Eric Bugarin noong 2013, sabi ng pulisya. 

Nakuha anila sa suspek ang isang baril at 9 pakete ng droga. 
 
Ulat ni Noel Alamar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.