P884-K shabu, nasamsam sa babaeng pusher sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2018 09:50 AM

MANILA – Tinatayang aabot sa P884,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng awtoridad mula sa isang babae sa isinagawang buy-bust operation, Miyerkoles ng gabi sa Dasmariñas City, Cavite.

Alas-11:05 ng gabi nang magkasa ng buy-bust ang awtoridad sa Barangay H2 sa lungsod na ito kung saan nahuling nagbebenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang 27-anyos na suspek sa isang nagpanggap na buyer kapalit ang P5,000.

Nang arestuhin, nakita sa loob ng kaniyang itim na sling bag ang tatlo pang sachet ng shabu na tinatayang nasa 131 grams, drug parapehernalia at buy-bust money.

Inihahanda na ng awtoridad ang kaso laban sa suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.