MAYNILA – Pumanaw na ang cameraman ng ABS-CBN News na nabangga ng taxi at nakaladkad pa nitong madaling araw ng Huwebes sa Quezon City.
Naisugod pa sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Jose Florece pero yumao kaninang 3:51 ng hapon, ayon sa kaniyang misis.
Sakay ng kaniyang motorsiklo si Florece nang mabangga ng taxi habang papaakyat ng Tandang Sora flyover sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.
Nakaladkad pa ng halos 100 metro si Florece bago huminto ang taxi sa ibabaw ng flyover.
Wasak ang suot na helmet ng biktima at halos hindi na siya makilala sa tindi ng aksidente.
Sumuko naman sa pulisya ang driver ng taxi na nakilalang si Cristopher Lape.
Ayon sa isang testigo na nakausap ng mga pulis, bumangga ang motorsiklo sa plastic barrier. Hindi nila nakita ang driver ng motorsiklo na noon pala ay nakaladkad na ng taxi.
Paliwanag naman ni Lape na akala niya ay plastic barrier lang ang nabangga niya.
Sira ang CCTV ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lugar na sana ay makatutulong sa imbestigasyon.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injury ang taxi driver.
Humingi na siya ng tawad sa pamilya ng biktima.
Tumutulong na rin ang ABS-CBN sa pamilya ng biktima.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
cameraman, aksidente, QC, tagalog news, dzmm, PatrolPH, balita, motorista, kalsada, Dennis Datu