P260k halaga ng 'shabu', nasabat sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2017 02:27 AM

Nasabat mula kay Roberto Bernales ang hinihinalang shabu na may halagang P260,000, isang 9mm na baril, mga bala, at marked money. District Drug Enforcement Unit-QC Police District handout photo.

Nasabat ang P260,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa isang condominium sa Quezon City nitong Miyerkoles.

Arestado si Roberto Bernales sa isinigawang buy-bust operation ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng QC Police District.

Nakuha mula sa suspek ang 60 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P260,000, isang 9mm na baril, mga bala, at marked money na nagkakahalagang P1,000.

Ayon sa DDEU-QCPD, una nang naaresto ang suspek sa La Loma noong 2014 dahil din umano sa droga.

Kasama rin sa naaresto ang isang babaeng pinangalanang alias "Sarah."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.