Gumagalang lalaking may dalang kutsilyo, arestado sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2017 04:57 PM

Arestado ang isang lalaking lumalaboy habang may hawak na patalim sa Brgy. 198, Tondo, Maynila.

Tinukoy ang suspek na si Jomel Narvaez na isinumbong ng mga residenteng natatakot sa kilos ng lalaki.

Bukod sa may hawak na kitchen knife, paulit-ulit din umanong sinasabi ng suspek na may papatayin siya.

Depensa ng ni Narvaez, pinagbantaan umano siya ng kaniyang amo na papatayin siyadahil sa kanilang personal na away kaya't nagdala na siya ng kutsilyo para madepensahan daw ang sarili.

Lumabas naman sa record ng pulisya na dati nang nakulong ang suspek dahil sa iba't ibang kaso kabilang na iyong may kinalaman sa ilegal na droga. Inihahanda na ang bagong reklamong kakaharapin ng suspek.

-- Ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.