PatrolPH

EDSA-Timog flyover closure sinabayan ng mabigat na trapiko

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2022 03:15 PM | Updated as of Jun 27 2022 07:39 PM

Screengrab 
Mark Demayo, ABS-CBN News

Bumigat ang trapiko malapit sa EDSA-Timog flyover nitong Lunes ng umaga dahil sa isinarang southbound lane nito. 

Pasado alas-4 ng madaling araw ng Lunes kapansin-pansing bumper-to-bumper ang mga sasakyan sa bahagi ng EDSA-Timog pa-Makati at Maynila. 

Matatandaang isinara ang EDSA-Timog flyover southbound simula Sabado para sa isang buwan na pagkukumpuni nito. 

Nagsagawa ng assessment at inspection sa lugar ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes. 

Nasa 100 personnel din ang itatalaga kasama na ang augmentation mula sa Highway Patrol Group, lokal na pamahalaan ng Quezon City, at Inter-Agency Council for Traffic para magtulungan sa traffic management

Watch more News on iWantTFC

Pero may ilang motorista na nabigla na sarado pala ang flyover. Humingi naman si MMDA chairman Romando Artes ng paumanhin at kaunting pag-unawa. 

Ayon naman sa public works department, gagawin nila ang lahat para matapos nang mas maaga ang rehabilitasyon ng tulay. 

Patuloy namang pag-aaralan ng MMDA ang sitwasyon sa mga darating na araw upang mas masolusyonan ang trapiko sa EDSA at Mabuhay Lanes habang hindi pa madadaanan ang bahagi ng flyover. 

— Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.