PatrolPH

Hanging bridge, bumigay sa Oriental Mindoro; nasa 15 tao na-rescue

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2022 02:26 PM | Updated as of Jun 27 2022 06:31 PM

Bumigay ang isang hanging bridge sa Sitio Tabuk, Barangay Poblacion, Bulalacao, Oriental Mindoro, Hunyo 27, 2022. Nasa 20 tao ang nasagip, kabilang ang isang paring papunta sana sa Sitio para magsagawa ng binyag. Courtesy: Bulalacao Public Information Office

(UPDATE) Bumigay ang isang hanging bridge sa Sitio Tabuk, Barangay Poblacion, Bulalacao, Oriental Mindoro nitong Lunes. 

Ayon kay MDRRMO Head Milet Osorio, mag aalas-9 ng umaga nang mangyari ang insidente.

Tumatawid sa tulay ang nasa 15 taong patungo sa Sitio Tabuk, kabilang ang isang pari, para sa isang binyag. Ipinagdiriwang rin doon ang kanilang kapistahan.

Habang nasa hanging bridge sila ay naputol ang kable, kaya tumagilid ang tulay at marami ang nahulog sa ilog. Ang iba ay nagawang makalambitin sa tulay.

Na-rescue agad ang mga tao, kabilang ang mga bata.

Luma na umano ang hanging bridge kaya ito ang posibleng dahilan kung bakit naputol ang kable.

Taong 2019 nang masira rin ito ng bagyong Ursula at nakatakda na sanang sumailalim sa rehabilitasyon.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

MULA SA ARCHIVE

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.