PatrolPH

Lalaki patay nang mahulog sa imburnal sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2021 09:38 PM

ZAMBOANGA CITY- Patay ang isang 23 taong gulang na lalaki matapos mahulog sa isang imburnal sa Barangay Sangali sa Zamboanga City Linggo ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jaybee Bantilin, residente ng nasabing barangay. 

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nangunguha ng mangga ang biktima nang madulas ito at mahulog sa imburnal. 

Ilang oras rin ang lumipas bago siya natagpuan ng mga residente.

Sinubukan pa siyang dalhin sa ospital pero idineklara siyang dead on arrival. 

Nangyari ang aksidente habang mataas ang tubig baha sa lugar dahil sa malakas na ulan dulot ng Intertropical Convergence Zone.

- ulat ni Leizel Lacastesantos

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.