PatrolPH

Buhawi nanalasa sa 8 barangay sa Iloilo, nasa 42 bahay nasira

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2021 11:35 PM

LAMBUNAO, Iloilo - Umabot sa 42 na mga bahay ang nasira sa walong barangay ng Lambunao, Iloilo, matapos manalasa ang isang buhawi Biyernes ng hapon.

Sa report ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Lambunao, biglang bumuhos ang malakas na ulan kasama ang malakas na hangin na sumira sa mga bahay sa lugar.

Karamihan sa nasirang bahay ay gawa sa mga light materials.

Karamihan sa mga nasiraan ng bahay ay pansamantala munang nanunuluyan sa kanilang mga barangay hall.

Umabot naman sa kalahating milyon piso ang naitalang halaga ng pinsala sa mga ari-arian ayon sa lokal na pamahalaan ng Lambunao.

Nagapa-abot na ng pinansyal na tulong ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente.

Wala namang may naiulat na nasaktan o namatay sa pananalasa ng buhawi.

- ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.