PatrolPH

2 timbog, 9 nasagip sa trafficking sa Tacloban City

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2021 12:10 PM

Dalawa ang naaresto habang 9 ang nasagip sa magkahiwalay na operasyon kontra human trafficking sa Tacloban City.

Lumabas umano sa imbestigasyon ng pulisya na ginagamit ang mga biktima, na nasagip noong Huwebes sa mga entrapment operation, para mag-alok ng sexual services kapalit ng pera sa pamamagitan ng social media sites.

Kabilang sa mga nasagip ay isang 16 taong gulang na babae.

Nahaharap naman sa kasong qualified trafficking ang 2 naarestong suspek habang nananatili sa kustodiya ng Tacloban city social welfare office ang mga biktima.

— Ulat ni Sharon Evite

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.