Tulay sa Negros Occidental bumigay sa pagdaan ng truck

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2020 01:33 PM

Hindi kinaya ng tulay sa Barangay Alijis sa Valladolid, Negros Occidental ang bigat ng truck na may kargang sako-sakong soy beans. Larawan mula kay Mark Delos Reyes Cabrillos

Nabuwag ang isang tulay sa bayan ng Valladolid sa Negros Occidental sa pagdaan ng isang 10-wheeler truck, Sabado ng umaga. 

Ayon sa pulisya, nasira ang tulay sa Sitio Pangpang, Barangay Alijis dahil hindi nito kinaya ang bigat ng truck na umatras para mag U-turn. 

May kargang soya beans ang truck na ihahatid sana sa isang poultry farm sa nasabing barangay. 

Wala namang nasugatan sa aksidente. 

Dagdag ng pulisya na mananagot ang driver o may ari ng truck sa pagbabayad sa nasirang tulay na pagmamay-ari ng local government. 

Hindi naman apektado ang mga residenteng nakatira sa lugar dahil may alternative route naman sila na pwedeng daanan.