Sundalo, 2 iba pa timbog sa buy-bust sa QC; P6.8 halaga ng ‘shabu’ nasamsam

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2020 09:52 PM

MAYNILA--Aabot sa P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Quezon City. 

Tatlo ang inaresto sa operasyon, kabilang ang isang sundalo. 

Ayon sa ulat ng Public Information Office ng Philippine Drug Enforcement Agency, ikinasa ang operasyon sa parking lot ng isang mall sa Quezon City.

Dito, nasabat ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon at isang motorsiklo. 

Iniimbestigahan ang tatlong suspek.

-- Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.