Phivolcs nakapagtala ng 7 lindol sa Bulkang Kanlaon

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2020 10:37 AM

Nakapagtala ng pitong volcanic tectonic earthquake ang Phivolcs sa Bulkang Kanlaon sa Negros Island sa loob ng 24-oras.

Base sa pinakahuling bulletin ng Phivolcs, patuloy ang pagbuga ng puting steam mula sa crater ng bulkan at may average na 237 na tonelada ng sulfur dioxide emission kada araw.

Ayon sa Phivolcs, nagpapakita ito ng hydrothermal o magmatic activity sa ilalim.

Patuloy pa rin na nasa Alert Level 1 ang bulkan at pinaalalahanan ang publiko na huwag pumasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone dahil sa posibleng steam-driven o phreatic eruption.

Mula pa noong Martes nakahanda na ang disaster and rescue response teams ng mga local government units na nasa paanan ng bulkan para sa gagawing pre-emptive evacuation kung sakaling kailangan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.