Oil price hike nagbabadya sa Hunyo 30

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2020 04:13 PM

MAYNILA - Magkakaroon muli ng oil price hike sa susunod na Martes, Hunyo 30, batay sa tantiya ng mga taga-industriya. 

Ito na ang ika-8 sunod na oil price hike. 

Nasa P0.40-P0.50/litro ang inaasahang dagdag-presyo sa gasolina. 

Mula P0.20-P0.30/litro naman ang inaasahang pagsipa sa diesel at kerosene. 

Sa dire-diretsong oil price hike, aabot ng mahigit P9.60 kada litro ang iminahal ng gasolina. 

Aabot naman sa P5.75 ang iminahal ng kada litro ng diesel at P8.50 ang iminahal ng kada litro ng kerosene. 

Pero nanindigan ang Department of Energy na kung susumahin ang lahat ng galaw sa presyo mas marami pa rin at malaki ang mga rollback kumpara sa dagdag-presyo. 

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.