Presyo ng manok bumaba, isda tumaas sa Commonwealth Market

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2019 11:14 AM

MAYNILA — Bumaba ang presyo ng manok habang tumaas naman ang presyo ng ilang klase ng isda sa Commonwealth Market nitong Huwebes. 

Mula sa P170/kilo ay bumaba ngayon sa P160/kilo ang isang buong manok sa Commonwealth market.

Ayon sa mga nagtitinda, bumalik sa P140/kilo ang kanilang puhunan sa suplayer kaya bahagya silang nagbaba ng presyo. 

Samantala, nagtaas naman ng presyo ang ilang klase ng isda at ilang klase ng gulay. 

Presyo ng isda: 
•Bangus → P180/kilo (dating P160/kilo)
•Galunggong → P140/kilo (dating P120/kilo)

Presyo ng gulay 
•Baguio Beans → P100/kilo (dating P80/kilo)
•Carrots → P100/kilo (dating P90/kilo)

Samantala, bumaba sa P30 ang presyo ng sayote mula P40. Bahagyang bumaba naman sa P90 mula P80 ang presyo ng Petchay Baguio. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.