P6.5 milyong halaga ng 'shabu' nasabat sa Lanao del Norte

Roxanne Arevalo, ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2019 06:20 PM

Nasamsam ang nasa P6.5 milyong halaga ng droga sa Baloi, Lanao del Norte nitong Huwebes ng hapon.

Nakuha ang 50 gramo ng hinihinalang shabu mula sa suspek na nakatransaksiyon ng Philippine Drug Enforcement Agency-Northern Mindanao.

Ayon sa suspek, galing sa Maguing, Lanao del Sur ang kaniyang suplay.

Dalawang lalaki pa ang inimbitahan upang kwestyunin ang kauganayan sa suspek matapos silang makitang mag-usap bago ang transaksiyon.

Inihahanda na ng PDEA ang kasong isasampa laban sa suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.