P500k na shabu, nasamsam mula sa high-value target sa Dipolog

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2019 12:54 AM

DIPOLOG CITY—Nasamsam ang P500,000 halaga na shabu mula sa isang high-value target sa Barangay Turno nitong Martes.

Nakilala ang suspek na si Romnick Maraviles, 30, na naiulat na pangalawa sa high-value target list ng pulisya sa lungsod na ito.

Ayon sa mga awtoridad, matagal na nila minamanmanan si Maraviles mula pa man sa Ozamiz, Misamis Occidental, kung saan nanirahan ang suspek.

Nagsagawa ang pulisya ng buy-bust operation kung saan nahulihan ng sinasabing droga ang suspek.

Umaasa ang mga awtoridad na bahagyang hihina ang transaksiyon ng mga ilegal na droga sa siyudad dahil sa pagkakaaresto sa suspek.

Kilalang miyembro rin ng isang local drug group Selda Singko si Maraviles.

Muling nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Parehas ang mga kasong dating isinampa kaya Maraviles, pero nakalaya rin umano dahil sa plea bargain.—Ulat ni Dynah Diestro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.