'Na-sideswipe': Duterte naniniwalang 'nahagip' lang ng Chinese ang F/B GEM-VER

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2019 01:16 PM

MAYNILA — Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na na-sideswipe o nahagip lang ng Chinese vessel ang bangkang pangisda ng mga Pinoy sa nangyaring insidente sa Recto Bank noong Hunyo 9.

"Hindi talaga 'yong binunggo. Kung binunggo, nasa ilalim na 'yon. Nobody... Kasi na tawag nila parang sasakyan, 'yong pasahero tinamaan. Na-sideswipe. 'Yon ang tawag diyan," ani Duterte sa isang talumpati

Matatandaang iniwan sa may Recto Bank ang nasa 22 mangingisda matapos silang banggain. Nasagip ang mga ito ng kalapit na Vietnamese vessel.

Dati nang tinawag ni Duterte na simpleng "maritime incident" ang pagbangga.

Iginiit din ni Duterte na hindi rason ang insidente para makipagdigmaan sa Tsina.

"But that is no reason to go to war. Hindi mo puwedeng sabihin ipadala mo ’yung mga grey ships mo. The grey ships, ’yun ang warship. Bakit ko ipadala doon on a mere maritime? Wala namang saksakan nga, walang barilan. Nadisgrasya lang, iniwan,” he said.

-- May ulat ni Arianne Merez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.