Bangkay ng lalaki nahukay sa bahay sa Bacoor

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2019 04:58 AM | Updated as of Jun 27 2019 08:28 PM

CAVITE—Nahukay ng mga awtoridad ang bangkay ng isang lalaki sa loob ng isang bahay sa lungsod ng Bacoor Huwebes ng madaling-araw.

Watch more in iWant or TFC.tv

Tinabunan ng semento ang hukay sa baba ng lababo na ayon sa pulis ay aabot ng 2 buwan na ang tagal. 

Natagpuan ang bangkay matapos ikasa ang buy-bust operation sa bahay sa Barangay San Nicolas 3 na ginagawa umanong drug den.

Nahuli sa operasyon ang 8 lalaki, pero giit ng isang suspek na hindi siya ang pumatay sa biktima kundi ang kaniyang kasamahan. — Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.