5 Chinese, 1 Pinoy timbog sa paggawa ng mga pekeng pakete ng yosi

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2019 12:29 PM

MAYNILA — Arestado ng Bureau of Customs (BOC) ang 5 Chinese national at 1 Pinoy na sangkot umano sa paggawa ng pekeng pack labels o packaging ng sigarilyo.

Ayon sa BOC, tugon ito sa reklamo ng Philip Morris at Japan Tobacco International na may namemeke ng packaging nila.

Naaresto ang 6 na suspek habang iniinspeksiyon ang isang warehouse sa Valenzuela City.

Doon ay naabutan pa ng mga awtoridad na gumagawa ng mga pekeng label ng mga sigarilyo ang 6, tulad na lang ng mga brand na Fortune at Jackpot.

Kakasuhan ng paglabag sa intellectual property rights at Customs Modernization and Tariff Act ang mga suspek. 

—Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.