10 bahay nasunog sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2019 04:39 AM

Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

ZAMBOANGA CITY—Nasunog ang nasa 10 bahay sa Barangay San Roque, sa lungsod na ito Huwebes ng madaling-araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog alas-2 ng madaling-araw at idineklarang under control matapos ang halos 1 oras.

Nag-short circuit na air-conditioning unit ang tinitingnang sanhi ng sunog, habang wala namang naitalang nasugatan sa insidente. — Ulat ni Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.